(NI DANG SAMSON- GARCIA)
BUMUHOS ang emosyon ni Senador Koko Pimentel sa Necrological Service na ipinagkaloob ng Senado sa yumaong ama na si dating Senate President Nene Pimentel.
Sa kanyang pananalita sa pagtanggap ng Senate Resolution 17 para sa pagsimpatiya ng Senado, hindi na napigilan ng kasalukuyang senador na humagulgol.
Ito ay nang paputol-putol na niyang bitiwan dahil sa pag-iyak ang mga salitang “Saying goodbye permanently to a special Tatay, someone you admire and love…is a very sad event. We don’t want this to happen, but it will happen and it has happened, that is life.”
Ibinihagi rin ni Pimentel ang mga mahalagang aral na itinuro sa kanya ng ama.
“Don’t waste time as this does not come back. Be productive. A good education is the best inheritance the parents can give to his child. Follow your conscience. Don’t give up if you are doing the right thing. Do not think about yourself. Be a man for others. Love for country,” pag-iisa-isa ni Pimentel sa mga lesson mula sa ama.
Ilan pa sa mga nagbigay ng eulogy sina dating Senador Joey Lina, Rene Saguisag, Anna Dominique Coseteng, Heherson Alvarez at Orlando Mercado gayundin sina Sen. Risa Hontiveros at Pia Cayetano.
“I loss a father, a teacher and friend. My grief comes from realization that our country has loss a great Filipino and statesman. The nation loss a legend,” saad ni Lina.
Inalala naman ni Saguisag ang paborito nilang kanta ni Nene na “You Are my Sunshine” kasabay ng pagbibilin pa sa kaibigan na sa sandaling makita na nito ang kanyang asawa na si Dulce ay sabihing tumupad siya sa kanyang pangako na hindi na titingin sa iba.
Sa necro service, ilang ulit na pinatugtog ang mga binuong kanta ng asawa ng yumaong senador na si Ginang Bing para sa kanya kabilang ang Hold Me na ginawa ng ginawa para sa kanilang 50th Wedding anniversary noong April 9, 2010 at ang Just Let Me Cry na ginawa nito habang nakaratay sa pagamutan ang asawa.
“Just let me cry. I don’t know how to say goodbye. Just let me cry to ease the pain,” bahagi ng kantang binuo ni Ginang Bing Pimentel.
164