KOMISYON AT SURGE CHARGE NG GRAB PINABABAWASAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINABABAWASAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Grab ang komisyon ng mga ito sa kanilang mga drivers at maging ang surge charge na ipinapatong ng mga ito sa kanilang mga customers.

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, masyadong malaki ang kinokolektang komisyon ng Grab sa kanilang mga driver dahil umaabot ito ng 10% hanggang 20%.

Nais ng mambabatas na ibaba ito ng 5% upang kumita ang Grab drivers dahil mahirap aniya ang biyahe ngayong panahon ng Pasko dahil sa lumalalang problema ng trapiko.

“The amount of commission that you are getting from your drivers is just too much especially now that they can hardly get enough trips because of the Holiday rush traffic,” ani Nograles.

Maliban dito, umapela rin ang mambabatas na ibaba ang kanilang surge charge upang hindi mahirapan ang kanilang mga customer na nagrereklamo ngayon dahil mistulang sinasamantala umano sila.

Ang surge charges ay lumalaki kung ang destinasyon ng pasahero ay matrapiko sa lugar, may baha at iba pang obstraksyon sa kanilang daanan at lalong lumala ngayong panahon ng Pasko kaya pumapalag na ang mga pasahero.

“The price surge that Grab has been imposing is just too much and the traffic is just unbearable. Even just until the end of December, please moderate your greed. Magtira naman kayo ng kita para sa mga driver. Maawa naman po kayo sa mananakay na wala namang choice kundi sumakay sa inyo,” ayon pa kay Nograles.

 

309

Related posts

Leave a Comment