KONSTITUSYON IBAGAY SA PANAHON – GO

IGINIIT ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na dapat ibagay na sa kasalukuyang panahon ang Saligang Batas ng bansa.

Binigyang-diin ng senador na dapat pag-aralan nang mabuti ang Konstitusyon dahil posibleng may mga probisyon na hindi na naaangkop sa kasalukuyang panahon.

“Ang 1987 Philippine Constitution ay 35 years old na. Ni minsan, hindi ito naamyendahan. Kaya suportado ko ang mga inisyatibo na pag-aralang muli ang mga probisyon nito na pwedeng gawing mas akma sa hamon ng makabagong panahon,” pahayag ni Go.

Ipinaalala pa ng senador na napakaimportante ng Saligang Batas dahil dito nakasalalay ang demokrasya at soberanya.

“Kaya ang anumang iminumungkahing pagbabago sa dokumentong ito, dapat ay mailatag at mapaintindi ito sa mga tao dahil sila naman ang dapat na magbenepisyo rito,” diin ng mambabatas.

“Kaya para sa akin, kung gagalawin man po ang Konstitusyon, dapat po na ang makikinabang ay ang taong bayan. Dapat po ang interes at kapakanan nila ang maproteksyunan, hindi po ng mga politiko,” dugtong pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Related posts

Leave a Comment