(NI NOEL ABUEL)
NAPAPANAHON nang usisain ng pamahalaan ang pinasok na kontrata sa water concessionaires na Manila Water at Maynilad.
Sinabi ito ni Senador Grace Poe sa gitna na rin ng nararanasang problema ng mga residente sa Metro Manila at karatig lalawigan sa supply ng tubig.
“We need to scrutinize the government contracts with the water concessionaires. The fact that we have the private sectors doing this for us does not clear the MWSS from its responsibility as regulators,” ani Poe.
Sinabi pa nito na panahon na ring pag-aralan at gumawa ng solusyon sa pamamagitan ng long-lasting solution sa problema sa tubig ng MM.
“In the long term, we should explore ground water supplies that can be tapped without imperiling environmental conditions and balance. This may require a hefty investment, but one that will ensure availability of the resource in the future,” sabi nito.
Iginiit pa nito na ang short term solution na ginagawa sa kasalukuyan ng dalawang water concessionaires ay hindi sapat kung saan kailangan na umano ngayon na masiguro ang 24/7 availability ng water tanks para magamit sa pagsu-supply ng tubig sa mga residenteng apektado nito.
Noong nakalipas na buwan ng Marso sinabi ng Manila Water na sinimulan na ng Cardona Water Treatment Plant ang pamimigay ng 24 million liters ng tubig kada araw sa ilang barangay sa Rizal.
“It is ironic that we have just passed a law requiring clean restrooms in terminals, yet we are faced with this problem of water supply. The people’s well-being is highly dependent on the quality and availability of water, and how well this vital resource is managed,” pangamba pa ni Poe.
125