KORONA NG WORST AIRPORT, HINDI NA MABITIWAN NG PILIPINAS

NANGANGAMBA si Senador Jinggoy Estrada na hawak pa rin ng Pilipinas ang korona ng pagiging worst airport.

Sa gitna anya ito ng mga hindi magagandang karanasan ng mga Pinoy na bumiyahe palabas ng bansa sa mga immigration officers sa paliparan.

Daragdag pa anya rito ang panibagong travel guidelines na inilabas ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na sisimulang ipatupad sa Setyembre 3.

Kaya naman, isa rin si Estrada sa mga senador na nagsusulong ng Senate investigation para himayin ang bagong travel guidelines na posibleng paglabag anya sa mga probisyon ng konstitusyon.

Sa kanyang Senate Resolution 771, ipinaalala ng senador na ang right to travel ay constitutional right at ang mas mahigpit na pre-departure guidelines ay maituturing na ilegal kaya’t dapat rebisahin.

Sa gitna anya ng pagbuhay muli ng turismo sa buong mundo, dagdag stress lamang sa mga Filipino traveler ang mga bagong immigration guidelines at taliwas sa isinasagawa sa ibang bansa na pinadadali pa ang proseso sa pagbiyahe para makaakit ng dagdag na turista.

Ipinaalala rin ng senador na nangako ang Bureau of Immigration ng 45-second screening time sa bawat pasahero na hindi anya nasusunod kaya humahaba ang pila sa mga immigration counters.

(DANG SAMSON-GARCIA)

218

Related posts

Leave a Comment