Korupsyon legal sa Kamara ROMUALDEZ TAMEME SA MGA BIRA NI DIGONG

MAGKASUNOD na linggo na ang hamon at mga patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives ngunit kapansin-pansin ang kawalan ng tugon dito ni Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang sa unang banat ni Digong, hinamon niya si Romualdez na ilahad sa publiko kung paano at saan ginasta ang pondo ng Kongreso.

Matapos irealign ng mababang kapulungan ang confidential fund ni Vice President Sara Duterte na nagkakahalaga ng P650 million kasama na ang kahalintulad na pondo sa Department of Education (DepEd) na P150 million, ay tahasang inakusahan ng dating Pangulo ang Kongreso na aniya’y pinaka-korap na sangay ng pamahalaan.

Sa kanyang programang Gikan sa Masa nitong Lunes, muling pinasaringan ng dating pangulo ang liderato ni Romualdez.

Inilahad niya ang saloobin sa isyu ng umano’y legalized corruption na nagaganap sa Kamara at kung paano malalaman ng taumbayan kung paano at saan napupunta ang pera ng bayan.

“So the only way really to know the truth of where the money goes is to open the books at makikita each and every congressman kung magkano, and you will see there that hindi ‘yan tabla ma’am,” ani Duterte.

Kasabay nito ay hinamon ni Duterte ang publiko na huwag magbayad ng buwis maliban kung bubuksan ng Kamara ang kanilang book of accounts.

“Hindi naman tayo magrebolusyon, we will just tell the people do not pay your taxes until Congress makes it public. Anong masama dyan? Ayan 30 billion oh, huwag na kayong mag-file ng taxes.

Sabihin mo muna sa Congress, “Magbayad kami ng taxes, make it public kung saan ang pera namin at magkano ang nakukuha ninyo,” litanya pa ng dating pangulo.

Nilinaw rin niya na hindi banta ang kanyang mga tinuran kundi isang legal demand.

“It is not a threat, it is a legal demand. Let me know where my money went or how it was spent, then I will pay my taxes again this year. Without informing me kung ninanakaw ba ninyo, or short-changed kami, o baka ang binigay naming peso, ginawa lang naming singkwenta ang ginastos ninyo, ‘yung singkwenta kinurakot ninyo, kalokohan yan,” ani Duterte.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

158

Related posts

Leave a Comment