(NI BETH JULIAN)
TINIYAK ni newly installed Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na itutuloy nito ang mga polisiya at repormang ipinatutupad sa ahensya mula pa sa namayapang BSP Governor Nestor Espenilla Jr.
Sa pagharap ni Diokno sa media Biyernes ng hapon, sinabi nito na sa tulong ng highly competent workforce ng BSP, siniguro nito na mapananatili ang kredibilidad nito na kinilala sa buong mundo.
Titiyakin din ni Diokno na mapananatili ng ahensya ang institutional independence nito.
Dito, inihayag ni Diokno na naniniwala siya na mayroon pa ring puwang upang maluwagan pa ang ipinatutupad na monetary policy.
Aniya, may oportunidad pa rin upang lalong mabawasan ang reserve requirement ration, na masasabing mataas pa rin hanggang sa ngayon.
Ilan sa mga nakikitang oportunidad ni Diokno para rito ay ang pagbagal ng inflation rate at ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.
“Given the decelerating inflation, there is an opportunity for monetary easing but as I said that would be dependent on data,” wika ni Diokno.
193