(NI AMIHAN SABILLO)
APRUB sa Philippine National Police (PNP) na dapat lamang maharap sa napakabigat na parusa ang mga pulis na mapatutunayang guilty sa pagtatanim ng ebidensiya gaya na lamang ng death penalty.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, na umano ay pabor ang PNP sa mungkahi ni Senator Panfilo Lacson na muling ipatupad ang death penalty para sa mga police officers na mapatutunayang guilty sa pagtatanim ng ebidensiya.
“The reimposition of death penalty will maximize the effectiveness of the law that penalizes planting of drug evidence. We agree with Sen. Lacson that planting of evidence deserves the harshest punishment,” Pahayag pa ni Banac.
144