(NI FRANCIS SORIANO)
PORMAL nang ipinakilala sa publiko ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bago nilang General Manager (GM) matapos itong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa PCSO, inilagay bilang bagong GM ng PCSO si dating Cebu City police chief P/COL Royina Garma bilang kapalit ni Marine Gen. Alexander Balutan, matapos itong sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil umano sa seryosong alegasyon sa korapsiyon.
Si Garma ay nagtapos sa Philippine National Police Academy ng Bachelor of Science in Public Safety, Master in Education Management at Executive Doctor in Leadership sa Rizal Memorial College.
Sa loob ng 24 taon sa Philippine National Police (PNP) ay naging hepe ito ng Women’s and Childrens Protection Desk sa Davao City at naging acting Regional Chief ng Regional Criminal Investigation and Group (CIDG) sa Region 7 at may natitira pang 10 taong sa serbisyo para sa mandatory retirement.
Ngunit nang itinalaga ni Duterte bilang bagong General Manager ng PCSO, ilang linggo na ang nakakalipas ay nag early retirement na ito para tanggapin ang bagong hamon sa tungkulin.
“I have done my research. I know what are the pressing issues at PCSO and I already have plans but it is still premature to divulge these,” pahayag ni Garma.
416