(NI TERESA TAVARES)
PINATALSIK ng Korte Suprema bilang abogado ang isang lady lawyer na nabuking na nameke ng draft decision ng Court of Appeals para paboran ang kanyang kliyente na nahaharap sa kasong iligal na droga.
Ayon kay SC spokesman Atty Bryan Hosaka dinisbar ng korte si Atty. Marie Francis RAmon.
Si Ramon ang nagsilbing abogado ng kliyente nitong si Tirso Fajardo na kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa SC, gumawa si Ramon ng pekeng draft decision ng Appellate Court para palabasing abswelto na ang kanyang kliyente sa kaso.
Hiningan din ni Ramon ang kanyang kliyente ng isang milyong piso.
Tumatayong complainant sa kaso sina Justices Fernan Dela paz Peralta, Justice Stephen Cruz at Justice Ramon Paul Hernando na ngayon ay isa na ring mahistrado ng SC.
Nadiskubre ng SC, na bukod sa paggawa ng pekeng draft ng CA decision ay isinama rin ni Ramon sa pekeng desisyon ang mga pangalan ng nagrereklamong justices.
Malisyoso ring pinalabas ni Ramon na kaya niyang impluwensyahan ang mga mahistrado ng Court of Appeals.
Maliban sa paghingi ng isang milyong piso sa kanyang kliyente, naharap din si Ramon sa kasong estafa.
171