LADY SOLON SA DEPED: TRABAHO SA K-12 GRADS, PATUNAYAN

(NI ABBY MENDOZA)

SA harap ng planong rebyuhin ang K-12 program, hinamon ni Binan Laguna Rep. Marlyn Alonte ang Department of Education (DepEd) na patunayan sa Kamara na nabibigyan ng trabaho ang mga graduates ng senior high school kahit hindi sila makapagtapos sa kolehiyo gaya ng ipinangako nito bago ipatupad ang programa.

Hamon ng mambabatas, magpakita ng patunay, ebidensiya, saan, kailan at sukatan ang DepEd, na ang mga senior high school graduates ay natatanggap sa trabaho, self employed man o kaya nang makapagpatayo ng kanilang sariling negosyo .

Kung hindi umano ito mapapatunayan ng Deped ay pinagsusumite ng lady solon ang tanggapan ng  analysis para matulungan ng Kongreso sa pagpapatupad ng corrective measures.

Sa 2020 budget, P650M ang inilaan ng Kamara para sa pagpapalakas ng K-12 program kung saan kasama rito ang training para sa mga teachers.

Sinabi ni Alonte na dapat nakatuon ang mga teachers sa pagtuturo ng K-12 at para magawa ito dapat alisin sa mga teachers sa anumang administrative tasks, school program, non-curricular contests, social work duties at off-campus meetings.

Una nang ipinanukala ni Alonte na para mahasa angmga estudyante na ga-graduate ng K-12 ay kailangang magkaroon ng On the Job Training (OJT).

 

Iminumungkahi ni Alonte na 320 hours ang OJt at hindi lamang 80 hours upang matututo nang husto ang mga estudyante sa trabahong nais nilang mapasukan.

Sa kasalukuyang sistema ay hindi obligado ang mga senior high school na dumaan sa OJT.

 

252

Related posts

Leave a Comment