Lalong nabaon si Juan dela Cruz PH, $8.1-B INUTANG SA DAYUHAN

UMABOT sa 8.1 bilyong US dollar ang inutang ng Pilipinas mula Enero hanggang Marso ngayong taon sa iba’t ibang pandaigdigang pampinansiyang institusyon at bangko, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nangangahulugang patuloy na nabaon sa utang si Juan dela Cruz, pangalang tumutukoy sa mga Filipino.

Ayon sa BSP, mababa pa ang $8.1 bilyon sa inutang ng pamahalaan sa naunang tatlong buwan mula Oktubre hanggang Disyembre 2019 na pumalo lamang sa $83.6 bilyon dahil nagbayad ang pamahalaan ng $4 bilyon sa nasabing panahon.

Ibinayad ang $4 bilyon sa iba’t ibang bangko at at pampinansiyang institusyon upang maayos ang tinatawag na “short- term maturing debt.”

Tiniyak naman ng BSP na nananatiling malakas ang tindig ng bansa sa larangan ng pagbabayad ng bilyun-bilyong dolyar na panlabas nitong utang.

Ito’y dahil “The ratio indicates the country’s sustained strong position to service foreign borrowings in the medium to long term,” pahayag ng BSP.

65

Related posts

Leave a Comment