LAW ABIDING CITIZENS, WALANG DAPAT IKATAKOT SA ATL – PDUTERTE

WALANG dapat ikatakot ang mga law-abiding citizen ng bansa sa anti-terrorism law.

“For the law abiding citizen of this country, I am addressing you with all sincerity. ‘Wag ho kayong matakot kung hindi ka terorista,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address kahapon ng madaling araw.

“Kung hindi mo sisirain ang gobyerno, pasabugin mo ang simbahan, pasabugin mo ‘yong public utilities just to derail, matumba tuloy ang bayan,” aniya pa rin.

“Once you blow up yung simbahan, blow up mo ‘yong market place… the right to defend itself accrues to the government heavily,” dagdag na pahayag nito.

Inaasahan na umano ng Pangulo na ang bagong lagdang batas, na naglalayong mas palakasin pa ang anti-terrorism campaign ng bansa ay hahamunin ng kanyang mga kritiko sa Korte Suprema.

Binigyang-diin nito na kailangan ng bansa ng legal na sandata para labanan ang terorismo.

Pinasaringan naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kritiko mula sa komunistang grupo.

“They think they are a different breed, they would like to be treated with another set of law when as a matter of fact, they are terrorists,” anito. (CHRISTIAN DALE)

84

Related posts

Leave a Comment