PINADARAGDAGAN ni Senador Risa Hontiveros ng pitong araw ang parental leave, hiwalay sa umiiral na batas ng solo parents kada taon kabilang ang 20 percent discount sa goods at serbisyo.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakapaloob ang panukala sa Expanded Solo Parents’ Welfare Act o Senate Bill No. 164 upang biyayaan ang hamon at paghihirap ng solo parent sa pangangalaga ng kani-kanilang mga anak.
“Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” ayon kay Hontiveros, principal author ng panukala at chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.
Bilang solo parent tulad niya, sinabi ni Hontiveros na kinikilala ng panukala ang paghihirap at hamon na kinahaharap ng isang solo parent.
Bukod sa may bayad ang karagdagang 7 pitong na parental leave, bibigyan din ang mga solo parent ng 20% discounts sa goods at serbisyo sa pribadong tindahan, halaga ng childcare at tuition fee ng bawat bata. Inaatasan din ng panukala ang gobyerno at pribadong kumpanya na may mahigit 100 empleyado na magtayo ng daycare facilities sa kanilang nasasakupan.
Layunin ng Expanded Solo Parents’ Welfare Bill na palawakin ang depenisyon ng solo parents na ibibilang ang asawa ng mga low-income overseas Filipino workers na lumabas ng bansa sa loob ng 12 buwan.
Isinusulong din ng panukala ang pagtatayo ng Solo Parents Affairs Office ng lokal na pamahalaan at kailangan magtayo rin sa bawat barangay ng Solo Parents’ Help Desk na tutulong sa mga solo parent at kanilang anak. (ESTONG REYES)
300