LEGIT: DUGONG MARANAO AKO! – DU30

(NI CHRISTIAN  DALE)

NIRESBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang pahayagan na kumuwestiyon sa pagkakaroon nito ng dugong Maranao dahil sa kanyang lola.

Binigyang diin ng Pangulo na isa siyang lehitimong Maranao at hindi kailanman naging impostor o nagpapanggap lamang.

Hindi nagustuhan ng Pangulo ang tila pagpatol sa isang tsismis at pagbasehan ng isang artikulo na kumukuwestiyon ngayon sa pagkakaroon niya ng dugong Muslim kaya mali ang lumabas sa artikulo.

Ani Pangulong Duterte, ang nanay nito ang may dugong Muslim at hindi ang kanyang ama na siyang inilabas sa isang pahayagan.

“Ito kasing article hindi ako Muslim. It’s my mother. It’s not — my father has nothing to do with me being a Maranao. Bisaya ‘yan eh. Ang nanay ko, ang tatay niya Intsik, ang lola ko ang Maranao. Ang nanay ko ang mestiza Maranao,” ayon sa Pangulo.

Malabo aniyang magpanggap lamang siyang Maranao dahil ang nanay nito ang may dugong Maranaw at hindi ang tatay nito, batay sa lumabas na artikulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na produkto ng “tsismis” ang isinulat dahil hindi nagsaliksik nang husto kaya naman hindi kapani-paniwala ang inilabas sa isang malaking pahayagan.

“Why should I pretend about my lineage? Ang nanay ko — nagkamali sila eh. That’s what you get if you would begin to dig in the history, tapos you rely on tsismis. I never said it was my father. The Duterte is a familiar name in Cebu,” aniya pa rin.

178

Related posts

Leave a Comment