(NI ABBY MENDOZA)
IIMBITAHAN ng House Committee on Dangerous Drugs si Vice President at ICAD Co-Chair Leni Robredo upang mailatag nito sa Kamara ang mga programa sa drug campaign ng administrasyon.
Ayon kay Cavite Rep. at Dangerous Drugs Committee Vice Chair Elpidio Barzaga, makatutulong sa drug war kung malalaman nila ang mga programang nais isulong ni Robredo, sa ganitong paraan umano ay united ang lahat ng ahensya.
“To address the drug problem, there must be a united, concerted and well planned action to be taken not only by the executive but also the two other co-equal branch of the government,”ayon kay Barzaga.
Dapat din umanong isama sa pagpaplano ang judiciary upang maging mabilis ang pagresolba sa mga drug related cases.
Before we could properly act on the necessary legislation, we have to know the plan of Leni and other government agencies in the ICAD,” dahilan ni Barzaga sa pag-iimbita kay Robredo.
Hindi pa sinabi ni Barzaga kung kailan ang imbitasyon nila kay Robredo maliban sa pagsasabing isasagawa ito sa isa sa mga hearing ng komite sa pamumuno ni Committee Chair Robert Ace Barbers.
Matatandaan na sa unang pulong na ipinatawag ni Robredo sa ICAD agency members ay sinabi nitong ititigil na ang Oplan Tokhang at bubuo ng isang programa kung saan maiiwasan ang insidente ng pagpatay.
Naniniwala si Robredo na maaaring magtagunpay ang drug war nang walang nagbubuwis na buhay ng mga inosenteng tao.
165