LGUs PINAGTATAKDA NG BIKE LANES

HINIKAYAT ng Malakanyang ang local government units (LGUs) na magtakda ng bike lanes sa kani-kanilang lokalidad dulot ng limitadong public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine.

Ang panawagang ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagkilala sa naging hakbang ng mga Filipino na gumagamit ngayon ng bisikleta bilang ideal mode of transportation na pasado sa physical distancing.

“Nananawagan po kami sa LGUs, mag-provide po kayo ng mga bike lanes at ito nga po ang pet project ng ating Senator Francis Tolentino,” ang apela ni Sec. Roque sa Laging Handa public briefing.

Si Tolentino ay naging Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman noong nakaraang administrasyon.

Pansamantalang suspendido ang Public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Ang LGUs ang nagbibigay sa healthcare workers at iba pang frontliners sa ECQ at MECQ ng transportasyon.

Ang mga kumpanya naman ay hinikayat na mag-provide ng shuttle services sa mga empleyadong nagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sa mga lugar na nasa GCQ, maaaring mag-operate ng public transport ng 10 hanggang 50 percent capacity.

“ECQ, the most stringent community quarantine, has been imposed in Cebu and Mandaue cities until May 31,” ayon kay Sec. Roque.

Ang Metro Manila, Laguna, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City ay isinailalim sa MECQ habang ang natitira pang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng GCQ. CHRISTIAN DALE

73

Related posts

Leave a Comment