LGUs PINAREREKTA SA MAGSASAKA SA PAGBILI NG BIGAS

(NI NOEL ABUEL)

MULING umapela sa pamahalaan at sa mga ahensya ng pamahalaan na magsilbing equalizer sa malaking suliranin ng mga magsasaka kaugnay ng patuloy na pagbaba ng presyo ng palay bunsod ng pagpasok ng mga murang bigas mula sa ibang bansa.

Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, kailangan nang kumilos ang gobyerno bago pa mahuli ang lahat at tuluyang iwan ng mga magsasaka ang kanilang hanapbuhay.

Hiling nito na panahon nang iimplementa ang Sagip Saka Law para makatulong sa mga magsasaka na makatugon sa pagbagsak ng presyo ng palay na nasa P7.00 kada kilo na lamang.

“Lahat ng accredited farmer organizations o kaya fisherfolk organizations ay pupuwedeng maging bahagi ng ganitong negotiated purchases sa mga pamahalaang lokal at pamahalaang pambansa,” aniya.

Giit pa nito na dapat bumili nang direkta sa mga magsasaka ang mga LGUs upang makatulong sa pagbangon sa suliranin.

Aniya, nakasaad sa nasabing batas na nag-e-exempt sa mga local governments at national agencies mula sa Procurement Law at maaari nang direktang makabili ng palay sa mga magsasaka at mangingisda.

“Halimbawa, may rice allowance ‘yung ibang mga local governments, usually niyan cash, e di bigyan mo ng 80% cash, 20% bigas mismo. Pero ‘yung bente porsyentong na bigas na’ yun bibilhin mo ngayon sa mga magsasaka. So ‘yan ‘yung magiging dagdag na suporta para sa ating magsasaka na alam nila pag nagtatanim sila hindi sila babaratin dahil nandiyan ang pamahalaang lokal, pamahalaang pambansa, mga ahensya ng gobyerno na bibili sa negotiated price na hindi palugi,” paliwanag pa ng senador.

Sa ilalim ng Sagip Saka of 2019 o ang Republic Act 11321, layon nito na dagdagan ang kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pag-oobliga sa mga government agencies na bumili ng direkta sa mga ito at hindi na kailangan pang dumaan sa mga middlemen.

 

 

161

Related posts

Leave a Comment