LGUs ‘WAG PATAY-PATAY

KAILANGAN maging maagap ang mga nasa LGU sa pag-aabiso kung may clustering na nagaganap sa kanilang mga area.

Sa gitna ito ng mahigpit na pagbabantay ng pamahalaan upang mapigilan ang pagpasok ng Omicron variant sa bansa.

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, una sa kanilang listahan na dapat agad makarating sa IATF ang anomang naitatalang pagdami ng kaso sa isang lugar na nasa responsibilidad ng local government.

Kasunod aniya rito ang pagpapatupad agad ng granular lockdown sa ilalim ng Alert level system.

Sa kabilang dako, sinabi ni Nograles na magiging basehan nila ang metrics at parameters na itinatakda ng Task Force sa pagtataas ng Alert level kung saka-sakali man sa isang area. (CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment