LIBRENG GAMOT SA MGA POBRE ISUSULONG SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON ng libreng gamot ang mga mahihirap na Filipino na nagkakasakit kapag naipasa ang panukalang batas na ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng House Bill 616 o “Free Medicine for the Poor Act” na iniakda ni Quezon City Rep. Aflred Vargas, nais nito na ilibre na sa gamot ang mga mahihirap na Filipino lalo na ang mga nabibilang sa ‘poorest of the poor’.

“The World Health Organization has observed that the major causes of death in low income countries can be treated effectively with simple essential medicines. However, the medicines are not available, not accessible or not affordable,” ani Vargas sa kanyang panukala.

Dahil dito, nais ng mambabatas na mismong ang gobyerno na ang magbigay na gamot na kailangan ng mga mahihirap na mamamayan na walang kakayahang bumili nito para maligtas ang kaniyang buhay.

Sa pamamagitan nito, matitiyak aniya na mabili ang lahat ng gamot na karaniwang kailangan dahil sa ngayon ay 33% umano sa mga pangunahing medisina ay wala sa mga botika at kung mayroon man ay napakamahal naman ito.

Dahil dito, tinitiis na lamang ng mga mahihirap na Filipino ang kanilang karamdaman na nagiging dahilan ng maaga nilang pagkamatay gayung puwede namang mailigtas ang buhay ng mga ito kung nabigyan ng gamot na kanilang kailangan.

“This bill seekt to improve the Filipinos’ access to medicines by establishing a free medicines assistance program for the poor. Through this, we are giving the less-fortunate better chances of survival from curable ailment, and thereby improving the overall health outcomes in the country,” ani Vargas sa kanyang panukala.

Kapag naging batas ito, lahat ng mga government hospitals, clinic at mga barangay health centers ay kailangang may supply na gamot na kailangan ng mga ‘poorest of the poor’.

 

193

Related posts

Leave a Comment