LIBU-LIBONG PASAHERONG PA-HONGKONG STRANDED SA NAIA

hk100

(NI FROILAN MORALLOS)

LIBU-LIBONG pasahero papuntang Hongkong ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport [NAIA] terminals 2 and 3 makaraang magkansela ang  Cebu Pacific (CEB) at Philippine Airlines [PAL] ng kanilang mga flights Manila-Hong Kong – Manila flights dahil sa kaguluhan sa Hong Kong, nitong Lunes.

Ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta-Lagamon nagkansela sila sa kanilang flight patungong Hongkong matapos mag-advice ang Hong Kong Airport Authority na maapektuhan ang kanilang mga flight dahil pansamantalang pagsara ng airport sa Hongkong

Dagdag pa ni Lagamaon na maaring tumagal ang pagka-delay sa kanilang flight pa Hongkong dahil kulang sila ng manpower, maging ang kanilang flight Manila-Hongkong – Manila, Clark, Cebu at  Iloilo ay apektado na rin.

Kaugnay nito pinapayuhan ni Logarta ang lahat ng mga pasaherong naapektuhan  lalo na ang mga naka book sa Agust 5, 6 and 7, 2019. na magpa rebook ng panibagong petsa , o kaya mag refund, at ipinagbibigay alam ng pamunuan ng Cebu Pacific na wala silang ipapataw na mga charges sa bawat pasahero.

Samantala, nagkansela rin ng 15 flights ang Philippine Airlines (PAL) patungong Hongkong dahil na rin sa ongoing protest na siyang dahilan sa pansamantalng paghinto ng Hongkong airport operations.

Ang mga kanseladong flight ng Philippine Airlines (PAL) ay ang  PR 306 Manila – Hong Kong,  PR 307 Hong Kong – Manila, PR 318 Manila – Hong Kong, at  PR 319 Hong Kong – Manila.

Nasa 11 naman ang mga cancelled flights ng Cathay Pacific (CX) Hong Kong-Manila flights., ito ay kinabibilangan ng,  CX907/906, CX919/918, CX903/902,    CX935/934,  CX912 Manila-Hong Kong,  CX939 Hong Kong-Manila at CX 976 Manila-Hong Kong.

Ayon sa pamunuan ng PAL ang mga apektadong mga pasahero ay maaring ma-accommodated sa mga vailable flight bukas ng umaga , at ang ibang pasahero ay mayroon option maari mag-rebook  / refund sa loob ng 30 araw.

 

205

Related posts

Leave a Comment