LIDERATO NG KAMARA CLOSED BOOK NA KAY DIOKNO?

diokno100

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI  na interesado ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ituloy ang imbestigasyon laban kay dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary at ngayo’y Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno.

Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., wala rin itong masabi sa appointment ni Diokno sa BSP kundi “…just another day in office”.

Ang kongresista ang pasimuno sa imbestigasyon kay Diokno ukol sa P75 Billion na isiningit nito sa 2019 national budget, pagpapabidding ng malalaking proyekto kahit wala pang aprubadong pondo, cash budgeting at ang mga proyektong ibinigay nito sa kanyang mga balae sa Casiguran, Sorsogon.

Inakusahan din ni Andaya si Diokno na nagtakang sumuhol sa kanya ng P40 Billion halaga ng proyekto manahimik lang ito ito sa natuklasan ng Kamara na P75 Billion na isiningit ng dating kalihim sa national budget.

“Those issue were raise, siguro some other person, some other time. I don’t think na this is the time. Babalik din naman yan,” panayag ni Andaya nang tanungin kung itutuloy pa rin nito ang imbestigasyon kay Diokno kahit nasa BSP na ito.

Hindi bababa sa anim  na imbestigasyon ang isinagawa ni Andaya sa nasabing usapin mula noong majority leader ito hanggang sa maging chairman ng appropriation committee kaya tinanong ito kung maglalabas siya ng committee report.

“Well, hopefully pag may oras pa but from my experience…, I think I have to accept the fact that some other time. Some other person, maybe in the next congress,” sagot ni Andaya.

Mistulang indikasyon ito na wala na siyang balak na maglabas ng  report sa resulta ng kaniyang isinagawang imbestigasyon sa mga transaksyon ni Diokno sa DBM.

Kahit isang imbestigasyon ay walang dinaluhan si Diokno sa pagdinig na isinagawa ni Andaya sa kabila ng mga imbitasyon at kalaunan at subpoena.

170

Related posts

Leave a Comment