LIFE VS SMUGGLERS TINIYAK NG KAMARA

TINIYAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipapasa ang panukalang batas na magpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa mga smuggler ng lahat ng uri ng agricultural products habang 17 taon naman sa mga miyembro ng cartel, hoarders at profiteers.

Sa kasalukuyan, ay may 10 panukalang batas na pawang nagtutulak para amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 of Republic Act (RA) 10845 na nakabinbin sa House Committee on Agriculture and Foods.

“As soon as the start of the 2nd Regular Session of the 19th Congress, we will immediately buckle down to work for the passage of the proposed amendments to the Anti-Agricultural Smuggling Act,” ani House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ng mambabatas na kabilang ang panukalang ito sa 20 napagkasunduan sa ikalawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na ipapasa bago matapos ang taong kasalukuyan upang mapalakas ang kampanya laban sa mga smuggler, cartel, hoarders at price manipulators o ang tinatawag na profiteers.

Sa ilalim ng nasabing batas, tanging ang smugglers ng agricultural products ang puntirya kaya pinaamyendahan ito ng mga mambabatas upang maging ang mga cartel, hoarders at nagmamanipula sa presyo ay maisama sa mga paparusahan.

Kapag naging batas ang panukalang ito, papatawan ng parusa ang mga smuggler ng habambuhay na pagkabilanggo at pagmumultahin ng doble sa halaga ng mga produktong agrikultural na ilegal nilang ipinasok sa bansa.

May katumbas itong parusang mula 14 hanggang 17 taong pagkabilanggo sa mga miyembro ng cartel, hoarders at profiteers at multang katumbas ng halaga ng mga produktong makukumpiska sa mga ito bukod sa buwis at iba pang bayarin.

“Enactment of this measure will institutionalize and improve mechanisms, as well as provide more stringent penalties that would serve as a strong deterrent against smuggling of agricultural products, including onion,” pahayag ni Romualdez.

Magugunita na naestablisa sa pagdinig ng nasabing komite na may cartel sa industriya ng sibuyas na pinamumunuan umano ng negosyanteng si Lilia “Leah” Cruz na isa sa itinuturong mga dahilan kaya umabot ng P750 kada kilo ang presyo nito noong huling bahagi ng 2022. (BERNARD TAGUINOD)

48

Related posts

Leave a Comment