LIHAM NG PAGPAPAHIRAP KAY DORMITORIO INILABAS

(NI JG TUMBADO)

INILABAS na ng pulisya ang isang liham ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio patungkol sa brutal na sinapit nito sa pamamagitan ng hazing mula sa kamay ng kanyang mga upper classmen.

Napag alaman kay Baguio City Police Office (BCPO) Chief Lt. Col. Allen Rae Co, may petsang Agosto 21, 2019 ang liham na isinulat ni Dormitorio isang buwan bago ito pumanaw.

Sa nabanggit na liham, idinetalye ni Dormitorio na sinaktan siya nina 3rd class Cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag at isang Cadet Manalo dahil sa paggasta niya sa kanyang allowance.

Inatasan umano siyang magsagawa ng ‘pumping exercises’ at ‘bridge under bunks’ at nakaranas din siya ng pananakit mula sa mga kadete.

Nakasaad sa sulat na ilang beses siyang nahulog at bumagsak sa sahig.

Galit na galit umano si Cadet Lumbag kaya pinataas ang kanyang kamay at ilang beses siyang sinuntok sa katawan, partikular sa bahagi ng dibdib nito.

Naospital si Dormitorio matapos ang isinagawang hazing sa kanya. Sina Imperial at Lumbag ay kapwa na-dismiss sa partisipasyon sa hazing, kasama ang nag-udyok na si Cadet 1st Class Axl Rey Sanupao.

162

Related posts

Leave a Comment