KINANSELA ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang mga lisensiya nina Iloilo Rep. Richard Garin at tatay nitong si Mayor Oscar Garin sa pagkakaroon ng ng mga armas matapos ang panggugulpi at panunutok ng baril sa isang pulis.
“Epektibo ngayon, iniuutos ko ang kanselasyon ng lahat ng Permits to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR) at License to Own and Possess Firearms (LTOPF) na inisyu ng PNP para kina Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at incumbent Mayor Oscar Garin, ng Guimbal, Iloilo bilang administrative action sa pagkakasangkot nila sa kasong criminal gamit ang baril,” sabi ni Albayalde sa statement na inilabas.
Kukumpiskahin din sa dalawang politiko ang lahat ng rehistradong baril matapos nilang dalhin sa Guimbal plaza si PO3 Federico Macaya at doon ay dinisarmahan, pinosasan, sinampal at dinuraan. Ieendoso rin umano ni Albayalde sa National Police Commission ang withdrawal sa pagkakaroon ng kapangyarihan ni Garin na kontrol sa local police sa Guimbal town.
Ang mga Garin ay nahaharap sa kasong isasampa ni Macaya tulad ng physical injuries, assault upon a person in authority, alarm and scandal, grave coercion at grave threats.
100