LISTAHAN NG OFFICIAL SENATORIAL CANDIDATE INILABAS NA 

comelec

(MITZI YU)

INILABAS na  ng Commission on Elections o Comelec ang opisyal na listahan ng mga senatorial candidate at party-list group para sa  May 13 midterm  polls.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pitumpu’t pito ang kandidato sa pagka-senador subalit labing-apat sa kanila ang may nakabimbing kaso.

Nireresolba naman ng poll body ang mga  kaso  ng 13 senatorial aspirants kabilang ang kay Senador Aquilino Pimentel III at dating Senador Sergio Osmeña III.

Kabilang sa nakapasok sa listahan sina Pimentel, Osmeña, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, dating Interior Secretary Raffy Alunan, Senators Sonny Angara, Bam Aquino, Cynthia Villar, JV Ejercito, Nancy Binay at Grace Poe, mga dating senador na si Juan Ponce Enrile, Mar Roxas, Lito Lapid, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr, dating Bureau of Corrections Director at PNP Chief Ronald dela Rosa, dating  Presidential Assistant Bong Go, dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino, dating Presidential spokesman Harry Roque, Ilocos Norte Governor Imee Marcos,  Maguindanao Rep. Dong Mangudadatu, election lawyer Romy Macalintal, Atty. Larry Gadon at dating Quezon Province Rep. Lorenzo “Erin” Tañada.

8

Related posts

Leave a Comment