Litratong kuha noong 2020 kumalat sa socmed PBBM, FL LIZA AT MGA SANGKOT SA POGO MAGKAKASAMA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

UMIKOT sa social media ang larawan kung saan makikita ang First Couple na kasama ang ilang personalidad na isinasangkot sa ilegal na POGO.

Sa Pandesal forum sa Quezon City nitong Lunes, ipinakita rin ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cassandra Li Ong, sa mga mamamahayag ang litrato at sinabing ihahayag niya ang mga pangyayari hinggil dito sa mga susunod na araw.

Makikita sa larawan na magkatabi sina First Lady Liza Araneta-Marcos at si Ong, authorized representative ng nilusob na POGO hub sa Porac, Pampanga. Kasama rin nila si Pangulong

Ferdinand Marcos Jr. at iba pang personalidad tulad nina Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Director Jose Maria Ortega, Special Envoy to China Benito Techico, dating Bureau of Customs official Noel Patrick Prudente, Retired General Noel Estanislao, at isang Mr. Wo na nagmamay-ari umano ng POGO sa Porac.

“I would like to tell you that Miss Cassandra Li Ong confirms the authenticity of this picture. Sabi niya, ang nakikita niyo rito sa picture na ito ay talagang andiyan at the same time, at this place and on that date with President Marcos and First Lady Liza Marcos. She confirms this,” ani Topacio.

Para naman kay House Quad Committee co-chair Rep. Robert Ace Barbers, walang halaga sa imbestigasyon ang nasabing larawan.

“Hindi ko pa nakikita ‘yung picture. Pero kung picture lang na magkatabi, I don’t think it has value. Kasi di ba kaming mga pulitiko, normal naman na may ganyang mga litrato. Unless may pruweba directly linking me to the illegal activities of the person beside me in the photo. Sa tingin ko hindi naman material ‘yun,” aniya.

Hindi Konektado

Kasunod ng pagkalat ng larawan ay mabilis na naglabas ng pahayag si Special Envoy to China for Trade, Tourism, and Investment Benito Techico.

Pinabulaanan nito na may koneksyon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos kay Cassandra Li Ong na dawit sa ilegal na operasyon ng POGO.

Nilinaw ni Techico na ang litrato ay kuha sa isang restaurant sa Pasay City noong 2020.

Pagkatapos aniyang maghapunan ng First Couple ay lumapit sa kanila ang may-ari ng restaurant at kanyang mga kasamahan para magpa-picture.

Giit ni Techico, ang akusasyon ni Topacio ay kabaligtaran ng totoong nangyari, at hindi umano patas para sa Pangulo ang pagbabato ng mga malisyosong kwento.

Wala pang pahayag ang Malacañang hinggil sa nasabing litrato.

63

Related posts

Leave a Comment