Local officials mananagot PAGDARAOS NG PIYESTA BAWAL PA

0

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local government official na papayag na magdiwang ng Kapistahan sa kanilang lokalidad.

Tiniyak ng pangulo na mananagot ang mga ito kapag pinayagan na magdaos ng Kapistahan sa kanilang lugar na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang Talk To The People, sinabi ng pangulo na ang guidelines o alituntunin na ibinaba ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response ay mahigpit na ipatutupad.

Ang paalala ay inihayag ng pangulo matapos nitong aprubahan ang pinaluwag na quarantine restrictions sa Metro Manila at kalapit-lalawigan subalit “with heightened restrictions” simula ngayong linggo habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng mas relaxed na modified general community quarantine.

“Nakikiusap ako, there are a lot of fiestas which you would like to hold, the problem is there is also the consequence which you should be mindful of,” ang paliwanag ni Pangulong Duterte.

Nagbabala rin ang pangulo na pananagutin niya ang mga lokal na opisyal lalo na ang mga barangay chairman kapag may nangyaring paglabag sa COVID-19 health protocol. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment