LOCALIZED AGRI PROGRAM TITIYAK SA FOOD SECURITY

KAPWA sumang-ayon ang Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na paigtingin ang implementasyon ng localized agriculture production program na naglalayong tiyakin ang food security at pagaanin ang kahirapan sa bansa.

Ang DA at DILG ang mga nangungunang ahensya sa implementasyon ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, Kadiwa’y Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement (HAPAG Kay PBBM) Program.

Ang “HAPAG kay PBBM Program” ay isang whole-of-government initiative na naglalayong itaas ang access para sa mga sariwa, ligtas at abot-kaya o murang pagkain sa pamamagitan ng urban at peri-urban agriculture at community engagement.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ang DA ng “technical assistance, seeds at seedlings, fertilizers at pesticides” bilang financial assistance sa mga magpapartisipang barangay at magsasaka.

Sa kabilang dako, palalawigin naman ng DILG ang pagsasanay at suporta sa mga opisyal ng barangay sa kung papaano ipatutupad ang programa at pakilusin ang magpapartisipang residente ng barangay sa pagdadala ng inisyatiba.

Sabay-sabay na inilunsad sa iba’t ibang pilot barangays sa bansa, nakakuha naman ng suporta ang programa mula sa iba’t ibang rehiyon gaya ng Cordillera Administrative Region (CAR), Eastern Visayas, at Caraga.

(CHRISTIAN DALE)

87

Related posts

Leave a Comment