LOCSIN NAG-SORRY SA BRITANYA

HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa United Kingdom, kasunod ng nangyaring pagkamatay ng isang British national nang tanggihan umano ng isang ospital sa Cebu province ngayong may COVID-19 pandemic.

Kinilala ni Locsin ang namatay sa pangalang “Barry” na dumanas umano ng atake.

Sinasabing tumanggi ang isang ospital sa Mandaue City at itinuro ang biktima sa isang ospital sa Cebu.

Pero sa report, naghintay ang biktima ng 8 oras sa ambulansya.

“He never complained; got cardiac arrest; doctors didn’t help. He died. Shame. Abject apologies to UK,” sinabi ni Locsin.

Nitong Lunes ay ibinalik ni Pangulong Duterte ang Cebu City sa enhanced community quarantine dahil sa pagdagdag ng kaso ng COVID-19 doon. KIKO CUETO

71

Related posts

Leave a Comment