LONG TERM LIVELIHOOD PROGRAMS GIIT SA MGA APEKTADO NG OIL SPILL

MAHIGIT isang buwan matapos ang oil spill incident sa Mindoro Oriental, iginiit ni Senador Loren Legarda ang pangangailangan para sa long-term livelihood programs at capacity-building sa mga naapektuhan ng insidente.

Sinabi ni Legarda na hindi lamang dapat temporary assistance ang maibigay sa mga komunidad na tinamaan ng oil spill bagkus dapat magkaroon ng long-term programs tulad ng mangrove rehabilitation at livelihood opportunities para sa microenterprises partikular para sa mga mangingisda.

Hindi anya dapat maging problema ang pagpopondo dahil mayroong P20 billion para rito sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Law of 2010.

Ipinaliwanag ng senador na ang bawat local government unit ay mayroong Local Disaster Risk Reduction Management (LDRRM) fund habang ang ibang government agencies ay mayroong Quick Response Fund (QRF).

Hinimok din ni Legarda ang shipping lines na maging responsable sa kanilang vessel management tulad ng pagtiyak na hindi overloaded ang mga barko at regular na susuriin ang kanilang mga makina.

Una nang nakipag-ugnayan ang senador sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa nararapat na programa sa mga apektadong lugar kasama na sa Antique. (DANG SAMSON-GARCIA)

83

Related posts

Leave a Comment