Loyalty check ikakasa? PARTIDO NI PDU30 NILALAYASAN

DUTERTE-31

MAGDARAOS ng general assembly ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban sa susunod na buwan matapos ang magkakasunod na pagkalas ng ilang miyembro nito.
Hindi direktang sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na magkakaroon ang mga ito ng loyalty check subalit inamin na isa sa kanilang pag-uusapan ay patatagin ang partido matapos silang malagasan ng 12 miyembro sa loob ng isang taon.
“We wil have a general assembly meeting on March 4 to be attended by Sen. Manny Pacquiao and Cong. Lord Velasco,” ani Pimentel.
Si Pacquiao ang head ng PDP-Laban sa Senado habang si Velasco ang lider ng partido sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa kabila nito, nananatiling pinakamaraming miyembro ang PDP-Laban dahil umaabot pa rin ang mga ito sa 63. BERNARD TAGUINOD

166

Related posts

Leave a Comment