‘LOYALTY CHECK’ SA MGA SUNDALO HINDI KAILANGAN

KUMPIYANSA ang mga bagong talagang Armed Forces Chief of Staff Gen. Andres Centino at Defense Secretary Carlito Galvez sa katapatan ng mga sundalo sa nakaupong Pangulo.

Sa sabayang pagharap nina Centino at Galvez sa Joint AFP-DND New Year’s Call na sinundan pa ng AFP Command Conference sa Kampo Aguinaldo, hayagang iwinasiwas ng mga bagong talagang opisyal ang umuugong na balita hinggil sa di umano’y loyalty check sa hanay ng mga sundalo.

Sa halip na “loyalty check,” mas pinili nina Centino at Galvez na bigyang-pansin ang pagsusulong ng mas mataas na antas ng moral at propesyonalismo ng mga sundalo at non-uniformed DND personnel.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na di na kailangan pang maglunsad ng imbestigasyon ang sandatahang lakas hinggil sa di umano’y destabilisasyon sa hanay ng mga militar.

Para kay Aguilar, isang “professional organization.”

“We are all aware that in our organization, officers come and go. Susundin namin ang chain of command.”

Samantala, tumanggi ang tagapagsalita ng AFP na pag-usapan ang paksyon sa sandatahang lakas, maging ang pag-amin ni DND spokesperson Arsenio Andolong hinggil sa pagbibitiw ng siyam na na iba pang opisyales ng tanggulang pambansa. (JESSE KABEL RUIZ)

150

Related posts

Leave a Comment