Loyalty pinagdududahan ng solon PBBM ‘DI NAKASISIGURO SA ‘DUTERTE GENERALS’?

(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG pinagdududahan ang loyalty ng mga tinaguriang “Duterte Generals” sa kanilang bagong among si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagbalik sa kanila sa puwesto.

Duda si House deputy minority leader France Castro dahil sa unang pitong buwan pa lamang ni Marcos ay tatlong generals na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naibalik sa kapangyarihan.

Kasunod ito ng pagtatalaga kay dating Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser kapalit ni Prof. Carlita Carlos.

Unang nakabalik sina Carlito Galvez bilang bagong Secretary ng Department of National Defense (DND) at Lt. Gen. Andres Centino bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“The current dominant faction in Malacañang apparently succeeded in booting out individuals identified with former Executive Secretary Vic Rodriguez from key positions in the DND, AFP and NSA but in the process placed Duterte generals whose loyalties and policies may still lie with the former president and his family and not with Pres. Marcos Jr.,” ani Castro kahapon.

Kabado rin ang mambabatas dahil ang mga nabanggit na dating heneral ang pinagkatiwalian ni Duterte sa seguridad ng bansa at administrasyon nito.

“Such political maneuverings involving the security and armed forces is very dangerous because such activities highlight the patronage system in the military and may lead to tensions within their ranks or even military adventurism if worse comes to worst,” dagdag pa ng mambabatas.

Naniniwala rin ang mambabatas na posibleng dinagdagan ang Duterte generals sa Marcos administration upang patahimikin ang mga ‘squabbling” sa military ranks na kontra sa Republic Act No. 11709 ng dating Pangulo na nagpako sa tatlong termino sa 8 most senior officers ng AFP kabilang na ang chief of staff at commander ng Navy, Army at Air Force.

29

Related posts

Leave a Comment