(NI ABBY MENDOZA)
KAHIT nag-over-the-bakod na ang ilang miyembro ng Liberal Party, hindi lahat ng panukalang batas ng Majority Bloc ay kanilang susuportahan.
Sinabi ni Caloocan Rep. Edgar Erice, kahit pa man nasa Majority Bloc na sya at 9 pang miyembro ng LP ay hindi ito nangangahulugan na lahat na nang isinusulong ng mayorya ay kanilang susuportahan.
“Bago pa man kami sumama sa mayorya ay nakausap na namin si Speaker Alan Peter Cayetano at dito ay inilahad namin na may ilang panukalang batas kaming hindi susuportahan,”pahayag ni Erice.
Ilan umano sa kanilang tinututulan ay ang pagbuhay sa death penalty, lowering age of criminal liability at ang panukalang charter change.
Hindi rin suportado ng mga LP members sa mayorya ang Federalism o Charter Change.
Sinabi ni Erice na ang kanilang inirerekomenda sa House Leadership ay amyendahan na lamang ang Article 10 ng Konstitusyon na paglikha ng Metropolitan Governments sa mga highly urbanized areas gaya sa Metro Manila, Davao City, Cebu at Clark.
Ang 10 miyembro ng LP ay nag-over da bakod sa mayorya dahil umano sa mga nais na isulong na adbokasiya, pagkakaiba ng prinsipyo at mga concerns sa kanilang mga distrito habang ang 5 naman ay nanatili sa Minority Bloc bilang pagsunod na rin sa kanilang partido na una nang nagpahayag na dapat manatili sa minorya ang kanilang hanay.
Una nang sinabi ni Erice na nagpapasalamat sila sa kanilang partido na naging bukas ang isipan at hinayaan silang mamili kung saan grupo nila nais na sumama.
Samantala, tiniyak ni bagong House Appropriations Committee chair Isidro Ungab na hindi mauulit ang pagkaantala sa pagpasa ng pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ayon kay Ungab na dati nang naging chair ng Appropriations Committee, sa kanyang 3 magkakasunod na taon bilang chair ng komite ay laging on time ang pagpasa sa General Appropriations Act, at ngayong 18th Congress ay ito ang kanya muling sisiguraduhin.
155