LP UMALMA SA BIKOY VIDEO: WALA KAMING ALAM DYAN! 

kikopangilinan21

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN ang Liberal Party (LP) na walang kinalaman ang mga ito sa lumabas na Bikoy video kasabay ng pagsabing gawa-gawa lamang ito ng ilang tao.

Giit ni Senador Francis Pangilinan, presidente ng LP, gawa-gawa ng administrasyon ang mga paratang sa LP tulad ng pagdamay ng kasalukuyang pamahalaan sa usapin ng ouster plot para mapagtakpan ang mga kapalpakan at pangungurakot ng ilang opisyales ng pamahalaan.

“Gawa-gawa lang ng administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa administrasyon,” giit nito.

“Kahit ano sasabihin ng testigo laban sa mga nakaupo sa takot na masaktan. Wala kaming ugnayan sa video at kay Bikoy. Kasinungalingan lahat ang mga paratang na ‘yan,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Pangilinan na hanggang ngayon wala pa ring mga drug lords at sindikato na nahuhuli o nakukulong sa pagpuslit ng toneladang shabu sa Bureau of Customs (BoC) at posibleng pinagtatakpan lang.

“Ano na naman kaya ang baho na tinatago ng administrasyon kaya inilabas ang mga kasinungalingang ito?” tanong nito

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na ang alegasyon ni Peter Joemel Advincula ay dapat imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) upang mahukay ang tunay na usapin ng Bikoy video at sampahan ng kaso ang nasa likod nito.

Nanindigan din ito na walang kinalaman ang LP sa akusasyon ni Advincula laban sa kanilang partido.

“The Liberal Party had nothing to do with the so-called Bikoy video. We deny the accusations. That the Liberal Party connived with an obviously professional con artist to topple the government is most absurd. It is ridiculous on so many levels. It’s excruciating to have listened to all his lies,” aniya pa.

Ayon naman kay Senador Risa Hontiveros produkto lamang ng masamang imahinasyon ng pamahalaan na pakana ng LP ang nasabing kontrobersyal na video.

“I find it odd that when ‘Bikoy’ came out with his videos accusing President Rodrigo Duterte, his family and close political friends of links to illegal drugs, this administration was quick to shoot down his credibility, even going so far as to threaten him with arrest. And now, when he sings a different song and accuses the opposition of outlandish things, all of a sudden his credibility is restored? How absurd,” ani Hontiveros.

 

141

Related posts

Leave a Comment