LRT LINE 1 CAVITE EXTENSION PROJ UMPISA NA SA MAYO 7

lrt1

(NI JEDI PIA REYES)

IKINASA na sa darating na Martes, Mayo 7, ang pagsisimula ng aktuwal na konstruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), isasagawa ang pagtatayo ng LRT Line 1 extension project mula sa C-5 Extension sa Barangay San Dionisio, Paranaque City.

Inaasahan ng DOTr na makukumpleto ang proyekto sa huling bahagi ng taong 2021.

Ang 11.7 kilometrong LRT 1 extension project ang magdurugtong sa Baclaran Station hanggang sa Niog, Cavite na makakabawas umano ng 25 minuto mula sa mahigit isang oras na biyahe mula Maynila hanggang Cavite.

Noong May 2017 na isinagawa ang groundbreaking ceremony ng proyekto ngunit ilang beses na naantala dahil sa isyu ng right of way.

507

Related posts

Leave a Comment