(NI BETH JULIAN)
LUBID o ineksiyon.
Ito ang dalawang klaseng paraan na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga mahahatulan ng parusang bitay.
Kung ang Pangulo ang tatanungin, bitay sa pamamagitan ng bigti o paggamit ng lubid para makatipid o kaya ay injection ang maaari nitong pagpilian para sa pagpapatuad ng capital punishment.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang dalawang nabanggit ang naging maagap ba tugon ng Pangulo nang tanungin ito tungkol sa parusang bitay.
Naniniwala si Panelo na sa tono ng salita ng Pangulo sa kanyang SONA at panghihimok sa mga mambabatas na maibalik ang parusang bitay ay hindi malayong sertipikahang urgent ang death penalty bill na inihain ni Senador Bong Go laban sa mga drug traffickers at iba pang mga criminal na gumagawa ng karumal-dumal na krimen, maging laban sa mga mandarambong sa kaban ng bayan.
Ayon kay Panelo sumagi sa isip ng Pangulo na muling ipabuhay sa mga mababatas ang death penalty bill dahil matinding problema pa rin ng bansa sa iligal na droga at ang walang tigil pa ring insidente ng korupsyon sa gobyerno.
577