(KIKO CUETO)
PUMANAW na si Philippine Airline Holdings Inc. (PHI) president Lucio “Bong” Tan Jr., Lunes ng umaga, nang dahil sa brain herniation.
“It is with deep sorrow that I announce the passing of my brother, Lucio “Bong” Tan Jr. this morning, November 11, 2019. He was 53. His untimely passing leaves a big void in our hearts and our Group’s management team which would be very hard to fill,” sinabi ni Vivienne Tan sa isang pahayag.
Sinabi naman ni Insurance Commissioner Dennis Funa na mismong ang mga kaanak ang nagblabas ng pahayag.
Sinabi rin ni Funan a brain herniation ang sanhi ng pagkamatay.
“They tried to revive him for 18 minutes. They are awaiting the arrival of his son from the US,” sinabi ni Funa.
Nitong Sabado ay naospital si Tan nang mag-collapse sa gitna ng basketball game sa Mandaluyong City.
Nitong nagdaang buwan lang na mag-assume si Tan ng top post sa PAL Holdings na iniwan ni Gilbert Gabriel Santa Maria dahil sa “personal reasons.”
Ang kanyang ama na si Lucio ang ika-anim na pinakamayan na tao sa Pilipinas sa na may net worth na $2.8 billion.
183