LUMABAS, BUMOTO; 61-M PINOY INAASAHAN SA HALALAN

comelec123

NAGSIMULA na ang botohan kung saan higit sa 61 milyong botante ang inaasahang lalabas para bumoto sa kabila ng inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) sa 78% turnout ng mga botante.

Umaabot sa 43,554 national at local candidate ang tumatakbo sa 18,071 posisyon – mula senador pababa sa municiap councilor, ayon pa sa datos na inilabas ng Comelec.

Nasa 62 kandidato ang maglalaban-laban sa 12 posisyon sa Senado dahil ang 12 posisyon ay napunan na noong May 2016 elections.

Sa party-list group, nasa 134 ang tumatakbo habang 61 naman ang pupunan na upuan sa House of Representatives 18th Congress.

Ang nalalabing upuan sa Kamara ay lalagyan ng 244 district representatives, na kukumpleto sa kabuuang 633 congressional candidates.

Ang mga senador na mananalo sa eleksiyon ay magsisilbi ng anim na taon o hanggang 2025 habang ang district representatives at party-list groups ay mananatili lamang ng tatlong taon o hanggang 2022.

Mahigit sa 85,000 ang nagbukas na ng alas-6 ng umaga at mananatiling bukas hanggang alas-6:00 ng gabi.

Sinabi ni James Jimenez, spokesperson ng Comelec, ang pagtataya sa 75 hanggang 78 porsiyentong turnout ay dahil marami pa rin ang mas pinapaborang bumoto sa presidential elections.

Maliban sa 61.8 milyong botante, mayroong 1.8 milyon na overseas voters, 1.1 milyon o 61.2 sa mga ito ay kababaihan.

126

Related posts

Leave a Comment