MABILIS AT SISTEMATIKONG MASS TESTING, ISINULONG NG MAMBABATAS

ITINUTULAK ng isang kongresista ang mabilis at sistematikong mass testing sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa mundo.

Sa pamamagitan ng Video message, inilahad ni ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo, ang mga suhestyon at hakbangin kung sino-sino ang dapat i-test, anong klaseng test kit ang gagamitin at sino ang gagastos sa large scale testing.

Ayon kay Rep. Tulfo, inaprubahan na ng House Committee on Defeat COVID-19 ang aabot sa halagang P1.3 Trillion economic stimulus fund para sa taong 2020, 2021 at 2022 at sa ngayon ay pinaplantsa na ang mga dapat gawin kabilang na ang Economic

Stimulus bill na may nakalaang budget na P20B na gagamitin sa mass testing.

Ipinaliwanag ng mambabatas na nakasaad sa nasabing bill na sa halip na mass testing, large scale testing ang gamiting termino na kahalintulad ng ginagamit ng World Health Organization (WHO).

Idinetalye nito ang kahalagahan ng large scale testing para sa pagkakaroon ng malinaw at kumpletong larawan ang ating gobyerno kung sino ang may sakit, ilan ang may sakit at tukuyin kung nasaan ang mga ito nang sa gayon ay mauna na ang mga eksperto at mapigilan ang pagkalat ng sakit dahil agad malalapatan ng lunas at atensiyon ang mga ito.

Ibinahagi rin ni Rep. Tulfo kung anong klaseng test kit ang gagamitin na hindi lamang basta rapid antibody test kit at ito ay ang RT PCR test kit na kinukonsiderang 100 percent açcurate sa pagtukoy ng COVID-19.

Lumalabas na may kamahalan nang bahagya ang imported na RT-PCR na nagkakahalaga ng 3K hanggang 8K habang ang RT-PCR test kit na gawa ng mga UP scientist ay nagkakahalaga lamang ng P2,700 to P3,000.

Para kay Tulfo, nararapat lamang na dumaan sa bidding sa ilalim ng emergency procurement rules ang pagbili ng RT-PCR test kits na sa tantiya nito ay aabot ng isa hanggang 2 buwan ang proseso kung mamadaliin at nararapat ding buksan ito sa publiko upang matiyak na walang mangyayaring katiwalian. CESAR BARQUILLA

94

Related posts

Leave a Comment