MADUGONG LABAN VS DROGA SUPORTADO

drugs2

(NI NOEL ABUEL)

IPINAGTANGGOL ng ilang senador si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nito na mas magiging madugo ang laban nito sa pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Kasabay nito ay nababahala rin ang mga senador sa patuloy na pagdagsa ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa tulad ng pagkakakuha sa bulto-bultong cocaine na nakitang lulutang-lutang sa karagatan sakop ng mga lalawigan ng Surigao del Sur, Davao Oriental at Aurora.

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi dapat sisihin ng publiko si Pangulong Duterte nang banggitin nito na magiging masalimuot ang kanyang anti-illegal drugs campaign sa mga susunod na mga araw.

Gayunman, sinabi rin nito na dapat unahin ng Pangulo ang paghanap at pagdakip sa mga lider ng mga drug syndicates.

“Identify the heads of the drug cartels who bring in illegal drugs to our country, so that the full force of the law can be imposed upon them. Kailangang panagutin ang mga drug lords na ito sa pagsira nila sa buhay at kinabukasan ng ating mga kabataan na nalululong sa illigal na droga. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sinusuportahan ko ang reimposition ng death penalty para sa mga big time drug lords na ito,” ani Gatchalian.

Samantala, sinabi naman ni  Senate President Vicente Sotto III dapat na paigtingin ng mga awtoridad  ang pagbabantay sa Philippines’ shoreline upang maiwasan na gamitin ito ng mga drug syndicate para makapagpasok ng illegal drugs sa bansa.

Paliwanag pa ni Sotto na hihilingin nito sa pamahalaan na pakilusin ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) para makatulong sa paglaban sa illegal na droga.

“That problem has been there for a long time and that is why I created the BADAC in Republic Act 9165 precisely because our shoreline is longer than the USA shoreline yet our Coast Guard is not equipped as theirs,” ayon pa kay Sotto.

“Yes, the DILG (Department of the Interior and Local Government) was saying they were activating some time ago but very few follow. In fact, the more important ones covering the islands are not activated,” dagdag pa nito.

 

130

Related posts

Leave a Comment