(NI BERNARD TAGUINOD)
MATINDI na ang ‘mafia’ sa loob ng Philhealth at tanging si Pangulong Rodrigo Duterte na lang ang pag-asa para matapos na ang nakawan sa pondo ng taumbayan at maparusahan ang mga sangkot sa anomalya.
Ito ang pahayag ni dating Health secretary at Iloilo Congresswoman-elect Janette Garin kaugnay ng panibagong anomalya sa Philhealth at pinangangambahang hindi mapaparusahan ang mga nasa likod nito dahil protektado ng mga opisyales ang kanilang mga sarili kapag may katiwalian.
Ayon kay Garin, noong pahanon niya sa DoH ay tinangka nilang tapusin ang katiwalian subalit rumesbak umano ang mafia sa loob at gumawa ng imbentong kuwento laban sa kanila.
“Tama na ang panglilinlang. Let us stop deceiving the people. It has been established that the alleged 10.6 Billion diversion of funds from senior citizens to DOH is not true, contrary to the pronouncements of PhilHealth officers. Ang mga ito po ay gawa-gawa ng totoong mafia sa Philhealth,” ani Garin.
Dahil dito, ikinatuwa ni Garin ang pagbibigay ng atensyon ni Duterte sa anomalya sa Philhealth at umaasa ito na sa pamamagitan ng political will ng Pangulo ay tuluyang maprotektahan ang pondo ng taumbayan.
240