MAGANDANG BUHAY SA BARMM IPINATITIYAK NI DU30

bangsamoro12

(NI BETH JULIAN)

IPINAG-UTOS na ng Malacanang ang pagpapatupad ng normalization process batay sa nakasaad sa comprehensive agreement on the Bangsamoro (CAB) at Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa Executive Order 79 na inilabas ng Malacanang, nais makatiyak ang Palasyo na natatamasa ng mga residente ng Bangsamoro Communities ang maayos na pamumuhay na akma sa kagustuhan at kultura ng mga ito.

Kasabay nito, ipinag utos din ng Pangulo ang pagbuo ng Inter Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) na mangunguna sa pangangasiwa sa normalization program ng gobyerno.

Pangungunahan ang ICCMN ng mga kinatawan mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at Office of the Cabinet Secretaries katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Nakasaad din sa naturang Executive Order ang direktiba sa mga government agencies na madaliin na ipatupad ang programang may kinalaman sa reconstruction, rehabilitation at development ng BARMM.

Agad pinag-iisyu ang OPAPP at OCS ng operational guidelines para sa mabilis at epektibong pagpapatupad ng naturang kautusan.

208

Related posts

Leave a Comment