(NI BETH JULIAN)
HINDI aarestuhin ang sinumang maghahain ng kasong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman ito maituturing na krimen.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng naunang pahayag ng Pangulo na ipakukulong niya ang mga magsasampa ng impeachment laban sa kanya.
Ayon pa kay Panelo, hindi naman literal ang sinabi ng Pangulo at nasabi lamang ito bunsod ng matinding pagkainis sa kanyang mga kritiko na hindi nakauunawa sa posisyon ng gobyerno pagdating sa usapin ng China.
Sinabi pa ni Panelo na hindi na nila kailangang paalalahanan ang Philippine National Police kung ano ang dapat na sundin na batas.
Una na ring sinabi ni PNP chief Police General Oscar Albayalde na handa nilang arestuhin ang sinumang maghahain ng reklamo kung ipag-utos ito ng Pangulo at kung makikitaan ng paglabag.
143