(NI HARVEY PEREZ)
MALAKI ang posibilidad na mai-proklama na ngayon araw (Linggo) ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong senador sa natapos na mid-term electons nitong Mayo 13.
Ito ay dahil sa nasa 98.08% na ang pumasok na election returns sa Comelec transparency server, dakong alas 9:08 ng umaga ng Sabado.
Gayundin, nasa 87.43% na o 146 ng 167 Certificate of Canvas ang nabilang na ng Comelec official tally mula noong alas 7:20 ng gabi ng Biyernes.
Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na tentative alas- 4:00 ng hapon maipu-proklama ang mga nanalong senador.
“We are not rushing things because we have to compute the votes for the party-list. Again, sobrang tentative pa ang Sunday,” paglilinaw ni Jimenez .
Sinabi ni Jimenez na tatawagan o iti text ang mga staff ng mga nanalong senador para sa proklamasyon.
Gayundin, lima katao lamang ang maaring bitbitin ng isang senador kung saan kukunin ang kanilang mga pangalan at detalye ng sasakyan para sa pagpasok sa gate.
Sinabi ng Comelec na nais nilang maiproklama na sa loob ng 10-araw ang mga nanalong senador.
130