MAGSASAKA PAPALAG ‘PAG DEHADO SA RTA

farmer

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY EDD CASTRO)

NGAYON pa lamang ay nagbanta na ang rice industry sector na i-aakyat nila sa Korte Suprema at kukuwestiyunin ang probisyon ng Rice Tarrification Law kung lilitaw sa bubuuing Implementing Rules and Regulation (IRR) na mas malulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka sa oras naipatupad ang nasbaing batas.

Ayon kay Philippine Farmers Advisory Board (PFAB) Chair Edwin Paraluman sa ngayon ay kanila umanong hihintayin ang babalangkasing IRR ng Rice Tarrification Act, kung lalabas na paborable ito mga magsasaka ay kanila itong susuportahan subalit kung papatayin lamang nito ang rice industry ng bansa ay kanilang hihilingin sa Korte Suprema ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order(TRO) upang harangin ang pagpapatupad nito.

Aminado si Paraluman na mula nang mabalita na ipapasa na ang Rice Tarrification Law ay bumaba na sa P14 kada kilo ang farm gate price ng palay mula sa dating P20-21 kada kilo, nangangamba sila na kung iiral na ang nasabing batas ay lalong babagsak ang presyo.

“Sa sobrang laki ng ibinaba ng farm gate price ng palay ay wala nang bumibili ng ani ng mga magsasaka kaya sa NFA na lamang ibinebenta,”pahayag ni Paraluman.

Ang ikinakatakot umano ng mga magsasaka ay niliiitan ang budget ng  NFA sa pagbili ng bigas kaya kung dadami ang ani at walang mapagbentahan ng bigas at wala ding pondo ang NFA ay malaki ang malulugi sa mga magasaka.

Ang riice industry stakeholders ay una nang nakapagsumite ng kanilang position paper sa Malacanang ukol sa Rice Tarrification Law kung saan isa kanilang isinusulong ay pananatili ng regulatory power ng National Food Authority (NFA) at ang pagbebenta ng murang bigas.

 

10

Related posts

Leave a Comment