MAGSASAKANG BIKTIMA NI ‘INENG’ PAUUTANGIN NG DAR

dar55

(NI DAHLIA S. ANIN)

BIBIGYAN ng gobyerno ng tulong pinansyal na aabot sa P25,000 ang mga magsasaka sa Ilocos Norte na naapektuhan ng bagyong ‘Ineng’.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magtutungo siya sa naturang probinsya upang personal na makita ang pinsala na iniwan ng bagyo.

Sabi ni Dar, maaaring makautang ng P25,000 ang mga magsasaka ng walang tubo sa loob ng 3 taon.

“Sure loan assistance na P25,000, zero interest, payable in 3 years,” ani Dar.

Isinailalim sa state of calamity ang probinsya, matapos ang walang tigil na pag-ulan na dala ng bagyong Ineng na nagdulot ng baha sa mga taniman, ikinalunod ng mga baka, at kumitil sa buhay ng dalawa katao.

Sa pagtataya ng Ilocos Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, aabot sa P200 million ang pinsala ng bagyo sa agrikultura at P300 million naman sa imprastraktura.

358

Related posts

Leave a Comment