MAGUINDANAO PLEBISCITE GENERALLY PEACEFUL – PNP

BUKOD sa naging makasaysayan ang resulta ng ginanap na plebisito ng Maguindanao Province, idineklara rin ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na naging “Generally Peaceful” ang political exercise.

Sa panig ng AFP, masaya ito na naging payapa at matagumpay sa kabuuan ang eleksyon sa paghahati ng Maguindanao Province sa dalawang probinsya sa pamamagitan ng plebisito nitong nakalipas na linggo.

Ang tagumpay ng isinagawang plebisito ay isang historical event sa mga residente ng Maguindanao matapos matupad ang pinapangarap na hatiin ang lalawigan na ika-11 na pinakamalaking probinsya sa Pilipinas kung pagbabasehan ang land area.

Ang Total Plebiscite Certificates of Canvass mula sa lahat ng Municipal Plebiscite Board of Canvassers ay nasa 36 habang ang actual voters na talagang bumoto ay nasa 711,767 mula sa 818,790 Total Number of Registered Voters sa Maguindanao Province.

Ang kabuuang turn-out ng mga botante ay nasa 86.93%, ang bumoto ng “YES” ay 706,558 o (99.27%) sa “NO” naman ay 5,209 o (0.73%) at ang resulta ng plebisito ay RATIFIED.

Pinuri naman ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander, Major General Roy Galido ang importanteng papel ng mga botante sa lalawigan. Gayundin ang mga Electoral Board members, Comelec personnel, ang hanay ng PNP at Philippine Army na tumiyak na magiging matiwasay ang plebisito.

“Ang presensya ng mga security personnel ay nagbigay ng kumpiyansa sa mga tao na bumoto,” dagdag pa ni Maj. Gen. Galido.

Samantala, inihahanda naman ng PNP ang pagtatalaga ng dalawang bagong Provincial director sa lalawigan.

Maging ang Commission on Elections (Comelec) ay nagulat sa napakataas na voter turnout na maiuugnay din umano sa intensive cooperation at cooperative actions ng ahensya.

Inabot ng 5 oras ang provincial canvassing sa kapitolyo sa Maguindanao.

May 8 lugar sa magiging Maguindanao Del Sur na walang bumoto ng “Hindi”.

Sa Datu Odin Sinsuat naman na magiging kapitolyo ng Maguindanao Del Norte, iisa ang naitalang boto para sa “Hindi”.

Dahil sa tagumpay ng plebisito, tiwala ang Comelec na kaya itong gawin muli kung sapat ang panahon sa paghahanda.

Ang mga munisipyo na bumubuo sa Maguindanao del Norte ay ang– Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura at Talitay.

Habang sa Maguindanao del Sur – Ampatuan, Buluan, Datu Abdullah Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan at South Upi.

Ang capital town at seat of government ng Maguindanao del Sur ay ang munisipalidad ng Buluan. (JESSE KABEL)

71

Related posts

Leave a Comment