MAHARLIKA BILL, MARAMING BUTAS – CHIZ

MARAMI pang butas at hindi lulusot sa kasalukuyang porma ang panukalang Maharlika Investment Fund.

Ito ang inihayag ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero matapos ang unang araw ng pagdinig ng Senate Committee on Banks and Financial Institution

Iniisa-isa ni Escudero ang ilang mga kwestyonableng probisyon sa panukala na anya’y dapat munang resolbahin ng economic team at ng mga mambabatas bago tuluyang ipasa.

Una sa kinuwestiyon ng senador ang kawalan ng probisyon sa panukala kaugnay sa return of investment ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines gayundin ang kawalan ng malinaw na authorized capital stocks ng bawat entity na papasok sa MIC.

Kabilang din sa sinisilip ni Escudero ang ibibigay na tax exemptions sa bubuuing korporasyon gayundin ang hindi nito pagsasailalim sa Governance Commission for GOCCSs.

Ipinaalala ng senador na noong Budget Secretary pa si Finance Secretary Benjamin Diokno, ipinatupad niya ang polisiya na wala dapat exemption sa pagbabayad ng buwis at ibalik na lamang ang ibinayad kung kinakailangan.

Maituturing ding conflict of interest kung ang Finance Secretary ang tatayong chairman ng bubuuing MIC bukod pa sa marami nang trabaho ang kalihim.

Hindi rin anya malinaw sa panukala kung saan gagamitin ang kikitain sa investment fund dahil kung sa social services lamang anya ay marami nang pondong inilalaan ang gobyerno para rito. (Dang Samson-Garcia)

40

Related posts

Leave a Comment